Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

COVID-19: Mga Bakuna at Pag-iwas

Maaari mong protektahan ang iyong sarili, ang iyong sambahayan, at ang iyong komunidad mula sa malubhang sakit dulot ng COVID-19. Ang pinakamahusay na pag-iwas ay umiwas na magkaroon ng kontak sa sinumang nahawa sa virus na SARS-CoV-2, sundin ang mga babalang pangkaligtasan, at magpabakuna. Magagamit ang mga bakuna laban sa COVID-19 para sa mga 6 na buwang gulang at mas matanda, kasama ang mga buntis at nagpapasuso

Tumutulong ang mga bakuna para pigilan ang COVID-19 at bawasan ang tindi ng pagkakasakit kung magkaroon ka ng virus. Walang bakunang 100% epektibo sa paghadlang sa anumang pagkakasakit, ngunit gumagana nang mabuti at ligtas ang mga bakuna laban sa COVID-19. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa iyong mga panganib at kung anong bakuna ang maaaring pinakamahusay para sa iyo at sa iyong pamilya.

Ibinibigay ang mga bakuna laban sa COVID-19 bilang isang turok (iniksyon) sa kalamnan. Inirerekomenda ng CDC ang na-update na mga bakuna laban sa COVID-19 para sa 2023-2024: Pfizer-BioNTech, Moderna, o Novavax, para mangalaga laban sa malubhang sakit dulot ng COVID-19. Nakabatay ang mga rekomendasyon ng bakuna sa edad, panahon mula sa huling dosis, at sa ilang kaso, ang unang natanggap na bakuna. Makipag-usap sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa kung anong bakuna ang pinakamahusay para sa iyo at sa iyong pamilya.

Mag-ingat: Pag-aralan ang iyong komunidad

Pag-aralan ang tungkol sa epekto ng COVID-19 sa iyong lugar. Tinatawag itong Antas sa Komunidad ng COVID-19. Sundin ang lokal na mga tagubilin tungkol sa pagpunta sa pampublikong lugar. Magkaroon ng kamalayan sa mga kaganapan sa inyong komunidad na maaaring ipagpaliban o makansela, tulad ng mga kaganapan sa paaralan at palakasan. Maaari kang payuhan na huwag dumalo sa mga pagtitipon na pampubliko. 

Para maiwasan ang posibleng pagkalantad sa COVID-19, maaari mong naising lumayo mula sa matataong lugar at panatilihin ang sapat na espasyo sa pagitan mo at ng iba. Ilipat ang mga kaganapan sa labas sa halip na sa loob, kung maaari. Malamang na hindi ka mahawa sa COVID-19 sa panahon ng mga gawaing nasa labas dahil hindi naiipon ang virus sa hangin sa labas gaya ng nagagawa nito sa loob. Tingnan ang website ng CDC para sa patnubay sa pagpapabuti ng daloy ng hangin.

Sundin ang patnubay ng iyong komunidad sa pagsusuot ng mask batay sa Antas ng Komunidad sa iyong lugar. Magsuot ng mask na mataas ang kalidad at maayos ang pagkakalapat ayon sa ipinayo. Tingnan ang Website ng CDC tungkol sa paggamit ng mask.

Manatiliing may alam tungkol sa mga patnubay sa pagbiyahe sa panahon ng COVID-19 sa inyong lugar, gaya ng mga kinakailangan sa pagsusuot ng mask sa mga pampublikong lugar. Kahit ganap nang kumpleto ang iyong bakuna, huwag magbiyahe kung may mga sintomas ka ng COVID-19, nagpositibo sa pagsusuri sa COVID-19, o naghihintay ng mga resulta ng pagsusuri sa COVID-19. Alamin ang pinakabagong Mga patnubay sa pagbiyahe ng CDC.

Kaya mahalagang malaman kung kailan magpapa-test para sa COVID-19. Tingnan ang website ng CDC sa pagte-test para sa detalyadong impormasyon kung kailan magte-test at kung paano kumuha ng mga COVID-19 test. Kung mayroon kang mga sintomas ng COVID-19, magpa-test kaagad.

Kapag nasa bahay ka

  • Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay. Gumamit ng sabon at malinis, dumadaloy na tubig nang hindi bababa sa 20 segundo.

  • Kung walang sabon at tubig, gumamit ng panlinis ng kamay na may alkohol nang madalas. Siguraduhing ito ay may hindi bababa sa 60% na alkohol.

  • Huwag hawakan ang iyong mga mata, ilong, o bibig maliban kung malinis ang iyong mga kamay.

  • Huwag humalik sa isang taong may sakit.

  • Kung kailangan mong umubo o bumahin, gumamit ng tisyu. Pagkatapos ay itapon ang tisyu sa basurahan. Kung wala kang mga tisyu, umubo o bumahin sa liko ng iyong siko.

  • Hangga’t maaari, huwag hawakan ang mga “madalas hawakan” na ibabaw ng mga bagay na ginagamit ng publiko tulad ng mga doorknob at hawakan, mga hawakan ng kabinet, at mga switch ng ilaw.

  • Linisin nang madalas ang mga ibabaw sa bahay gamit ang pangdisimpekta. Kabilang dito ang mga ibabaw ng mesa, mga printer, telepono, pasamano ng kusina, mesa, hawakan ng refrigerator, mga bahagi ng banyo, at anumang maruming ibabaw. Sunding mabuti ang mga tagubilin sa etiketa ng pangdisimpekta.

  • Suriin ang iyong mga supply sa bahay. Isaalang-alang ang pagpapanatili ng isang 2-linggong supply ng mga gamot, pagkain, at iba pang kinakailangang item sa bahay. Magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan at alamin sa iyong plano ng insurance ang tungkol sa pag-order ng 3 buwang supply ng mga gamot na regular mong kailangan.

  • Gumawa ng plan para sa pag-aalaga ng anak, trabaho, at mga paraan upang manatiling nakikipag-ugnayan sa iba. Alamin kung sino ang makakatulong sa iyo kung ikaw ay magkasakit.

  • Huwag lumapit sa mga taong may sakit.

  • Huwag makisalo sa pagkain o humiram ng mga gamit sa pag-inom sa sinumang may sakit.

Kung umalis ka ng bahay

  • Manatiling may alam tungkol sa mga tagubiling pangkaligtasan sa inyong lugar.

  • Mag-ingat sa mga ibabaw ng mga bagay na palaging hinahawakan sa mga pampublikong lugar gaya ng mga hawakan ng pinto at hawakan, hawakan ng kabinet, at mga switch ng ilaw. Kung humahawak ka sa mga ito, subukang hawakan ang mga ito gamit ang isang tisyu o tuwalyang papel.

  • Gumamit ng panlinis ng kamay na may alkohol nang madalas. Siguraduhing ito ay may hindi bababa sa 60% na alkohol.

  • Huwag hawakan ang iyong mga mata, ilong, o bibig maliban kung malinis ang iyong mga kamay.

  • Kung kailangan mong umubo o bumahin, gumamit ng tisyu. Pagkatapos ay itapon ang tisyu sa basurahan. Kung wala kang mga tisyu, umubo o bumahin sa liko ng iyong siko.

  • Magsuot ng mask ayon sa ipinayo. Makatutulong na protektahan ka ng mga mask at ang iba pa mula sa COVID-19. Isaalang-alang ang pagsuot ng de-kalidad na mask o respirator sa mga pampublikong lugar kapag ang Antas sa Komunidad ng COVID-19 ay mataas, kahit nabakunahan ka na. Tingnan ang gabay ng CDC sa pagsuot ng mask.

Lalaking naglalagay ng medikal na face mask.

Kung ikaw ay nasa lugar ng trabaho

  • Sabihin sa iyong superbisor kung magaling ka ngunit nakatirang kasama ang isang taong may COVID-19.

  • Sundi ang mga tagubilin ng iyong employer sa pagpapanatili ng pisikal na distansya mula sa iba.

  • Isaalang-alang ang pakikipagpulong sa telepono o video kung maaari.

  • Huwag gumamit ng mga mesa, telepono, kagamitan, o opisina ng ibang tao, kung maaari.

  • Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay. Gumamit ng sabon at malinis, dumadaloy na tubig nang hindi bababa sa 20 segundo.

  • Kung walang sabon at tubig, gumamit ng panlinis ng kamay na may alkohol nang madalas. Siguraduhing ito ay may hindi bababa sa 60% na alkohol.

  • Huwag hawakan ang iyong mga mata, ilong, o bibig maliban kung malinis ang iyong mga kamay.

  • Magsuot ng face mask ayon sa ipinayo ng iyong employer, patnubay ng CDC, at mga tagubilin ng komunidad.

  • Hangga’t maaari, huwag hawakan ang mga madalas hawakan na ibabaw ng mga bagay na ginagamit ng publiko tulad ng mga doorknob at hawakan, hawakan ng kabinet, at switch ng ilaw. Kung hahawakan mo ang mga ibabaw ng mga ito, linisin muna ang mga ito gamit ang pamunas na pangdisimpekta. O hawakan ang mga ito gamit ang isang tisyu o tuwalyang papel.

  • Limitahan ang mga pagtitipon ng grupo ayon sa ipinayo.

  • Isaalang-alang ang hindi pagsabay sa pag-inom ng kape o tsaa, o pagkain sa opisina.

  • Linisin nang madalas ang mga ibabaw kung saan gumagawa gamit ang pandisimpekta. Kabilang dito ang mga ibabaw ng mesa, photocopier, printer, mga telepono, pasamano ng kusina, hawakan ng pinto ng refrigerator, mga bahagi ng banyo, at iba pa.

  • Huwag hawakan ang mga gamit sa pagtatrabaho ng ibang tao, tulad ng mga telepono, keyboard, ballpen, at iba pang bagay.

  • Huwag hawakan ang mga gamit sa pagkain o pag-inom ng ibang tao.

  • Kung kailangan mong umubo o bumahin, gumamit ng tisyu. Pagkatapos ay itapon ang tisyu sa basurahan. Kung wala kang mga tisyu, umubo o bumahin sa liko ng iyong siko.

Kung ikaw ay nalantad sa isang taong may COVID-19

Mas mababa ang panganib ng pagkakaroon ng COVID-19 matapos kang malantad kung kumpleto ang iyong bakuna at may booster. Ngunit sundin ang mga hakbang na ito anuman ang katayuan ng iyong bakuna o kung dati kang nagkaroon ng impeksiyon ng COVID-19. Binabawasan din ng mga bakuna ang panganib na magkaroon ng malubhang sakit kahit na nahawa ka. Kung nalantad ka sa isang taong may COVID-19 o sinabihan ka ng isang tagapangalaga ng kalusugan o awtoridad ng pampublikong kalusugan na nalantad ka:

  • Magsuot ng mask kapag nasa paligid ka ng ibang tao sa loob ng iyong bahay o loob ng mga pampublikong lugar sa sandaling malaman mong nalantad ka. Ang day 0 ay ang araw ng iyong huling pagkalantad sa isang taong may COVID-19. Ang day 1 ay ang unang buong araw matapos kang malantad.

  • Panatilihin magsuot ng mask sa loob ng 10 araw matapos kang malantad.

  • Huwag pumunta sa mga lugar kung saan hindi ka makapagsusuot ng mask.

  • Bantayan ang mga sintomas gaya ng lagnat, ubo, at pangangapos ng hininga. Kung magkaroon ka ng mga sintomas, ihiwalay kaagad ang iyong sarili mula sa iba sa iyong bahay at magpa-test. Manatili sa bahay hanggang magkaroon na ng resulta ng test. Tingnan ang website ng CDC tungkol sa kung kailan mo tatapusin ang paglayo sa iba matapos magkaroon ng COVID-19.

  • Kung wala kang sintomas, magpa-test sa ika-6 na araw. Ito ay hindi bababa sa 5 buong araw matapos kang huling malantad. Magpa-test kahit wala kang mga sintomas. Kung negatibo ang iyong resulta, magpatuloy na magsuot ng mask kapag nasa paligid ng ibang tao sa bahay o sa loob ng mga pampublikong lugay hanggang ika-10 araw. Kung magpositibo ka, ihiwalay kaagad ang iyong sarili.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung sa palagay mo ay mayroon kang mga sintomas ng COVID-19. Maaaring kabilang sa mga ito ang:

  • Lagnat

  • Ubo

  • Hirap sa paghinga

  • Mga pananakit ng kalamnan

  • Pananakit ng ulo

  • Ginaw

  • Pamamaga ng lalamunan

  • Pagkawala ng panlasa o pang-amoy

  • Pagtatae

Sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Kung nasa panganib ka ng pagkakaroon ng malubhang COVID-19 at naospital, huwag iantala ang pagtawag sa iyong tagapangalaga. May mga gamot at paggamot na masisimulan para mapababa ang tsansa ng malubhang COVID-19.

Kailangan ko pa rin ba ng bakuna sa trangkaso?

Lalong mahalaga na manatiling may alam tungkol sa mga inirerekomendang bakuna para sa iba pang sakit. Totoo ito kung mataas ang iyong panganib para sa malubhang sakit dahil sa COVID-19, trangkaso, o pulmonya. Kabilang dito ang mga mas nakatatanda at mga taong may pangmatagalan (malubha at paulit-ulit) na kondisyon ng kalusugan. Ipinapayo ang pagkakaroon ng taunang bakuna laban sa trangkaso para sa bawat isa na 6 na buwang gulang at mas matanda, na may ilang eksepsyon. Ipinapayo ng mga eksperto sa kalusugan ang bakuna laban sa trangkaso upang protektahan ka at ang iba. Maibibigay ang mga bakuna laban sa COVID-19 kasabay ng iba pang bakuna.

Petsa nang huling binago: 11/1/2023

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer