Mga Palatandaan at Sintomas ng Problema sa Atay sa mga Bata
|
Kung ang iyong anak ay may sakit sa atay at nagkaroon ng lagnat, tawagan ang iyong doktor. |
Ang iyong anak ay na-diagnose na mayroong problema sa atay. Ang pilyego na ito ay naglalarawan ng ilang karaniwang senyales at sintomas na maaaring maranasan ng iyong anak. Ang ilan ay maaaring mangahulugan na ang iyong anak ay dapat tumungo sa emergency room. Ang iba ay hindi gaanong malubha, ngunit kailangan pa ding sabihin sa doktor ng iyong anak sa unang pagkakataon na mapansin mo ang mga ito.
Mga Palatandaan ng isang Emergency
Kung ang iyong anak ay mayroon ng alinman sa mga ito, tumungo sa emergency room o tumawag KAAGAD sa 911:
-
Mga pagbabago sa mental status ay maaaring kabilangan ng pagkatuliro, pagdedeliryo, pagkawala ng malay, at matinding pagka-antok. Ang mga pagbabagong ito ay dahil sa pag-ipon ng toxins na karaniwang pinoproseso ng atay. Ito ay mga palatandaan na ang atay ay hindi gumagana sa paraan na dapat itong gumawa.
-
Pagsuka ng dugo ay palatandaan ng pagdurugo sa mataas na bahagi ng GI (gastrointestinal) tract.
-
Madugong dumi ay palatandaan ng pagdurugo sa GI tract. Ang dugo sa dumi ay maaaring maitim at tarry, kulay maroon, o matingkad na pula.
Mga Palatandaan ng Problema
Ang mga sumusunod ay maaaring hindi emergency, ngunit kailangan mo pa ding ipagbigay alam sa doktor ng iyong anak o sa clinic sa lalong madaling panahon.
-
Jaundice ay nangyayari dahil sa pag-ipon ng bilirubin, isang dilaw na substansya na ginagawa kapag ang katawan ay pinoproseso ang pulang selula ng dugo. Ang atay ang nagkokolekta ng bilirubin upang dalhin sa labas ng katawan sa pamamagitan ng dumi. Kapag may diperensya ang atay o bile ducts, ang bilirubin ay maaaring maipon sa katawan. Ang mga senyales ng jaundice ay ang paninilaw ng balat at puti ng mata, matingkad na kulay ng ihi, o maputlang kulay ng dumi.
-
Pananakit ng tiyan ay maaaring maging senyales ng impeksiyon o pamamaga sa atay.
-
Lagnat. Tawagan ang doktor sa unang senyales palamang ng isang lagnat. Ikaw ay tatanungin upang malaman kung ang lagnat ay dulot ng problema sa atay o sa ibang rason.
-
Sa isang sanggol na wala pang 3 buwang gulang, isang temperaturang rektal na 100.4°F (39.0°C) o mas mataas
-
Sa isang bata na 3 hanggang 36 buwan, temperaturang rektal na 102°F (39.4°C) o mas mataas
-
Sa isang bata, anuman ang edad na may temperature na 103°F (39.4°C) o mas mataas
-
Lagnat na tumatagal ng higit sa 24 oras sa isang batang wala pang 2 taong gulang, o ng 3 araw sa isang bata na 2 taon o mas matanda
-
Isang seizure na dulot ng lagnat
-
Pamamaga sa tiyan ay maaaring dulot ng lumaking atay o pali (spleen). Ito ay maaaring dulot din ng ascites (likido sa loob ng tiyan). Ito ay maaari ring dulot ng impeksiyon o abnormal na pagtaas ng presyur sa mga daluyan ng dugo na nakakonekta sa atay.
Mga Palatandaan ng Pangmatagalang Sakit sa Atay
Ang mga sumusunod ay kadalasang nangyayari sa mga bata na may pangmatagalang (patuloy) sakit sa atay. Ang mga palatandaan na ito ay hindi kailangang ikabahala, ang mga ito ay kadalasang ginagamot tuwing regular na pagbisita sa doktor ng iyong anak o sa clinic.
-
Bali sa buto ay maaaring mangyari ng mas madali kapag ang isang bata ay may sakit sa atay. Ito ay dahil sa ang sakit sa atay ay maaaring humantong sa pagbaba ng densidad ng buto (kakapalan ng buto). Kung ang iyong anak ay mabalian ng buto, kakailanganin niya ng agarang medikal na pangangalaga. Ngunit ang mga bali ay hindi kailangang ipagbigay alam sa doktor sa atay ng iyong anak hanggang sa susunod na pagbisita.
-
Makating balat ay maaaring mangyari dahil sa pag-ipon ng bile sa iyong katawan.
-
Iba pang problema sa balat, kabilang ang spider veins, namumulang palad, pangangati ng balat, ay nangangahulugang ang dugo ay hindi dumadaloy ng mabuti patungo at mula sa atay. Ang mga spider vein ay kadalasang natatagpuan sa mga kamay, balikat at likuran.
-
Kawalan ng ganang kumain ay maaaring mangyari dahil sa sakit sa atay. Ito ay maaaring humantong sa malnutrisyon (ang katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na sustansiya na kailangan nito).
-
Maputlang dumi ay maaaring palatandaan na ang atay ay hindi gumagawa at nagpapakawala ng bilirubin, na siyang nagbibigay ng kulay sa dumi. Ang maputlang dumi ay maaaring dahil din sa impeksiyon sa atay o pamamaga. Ang maputlang dumi ay tinatawag ding acholic stools.
-
Madaling pagdurugo o pagpapasa ay maaaring mangyari dahil sa kakulangan sa bitaminang K o kung ang atay ay hindi magamit ang bitaminang K na natatanggap nito.
-
Malnutrisyon ay maaaring mangyari dahil sa hindi pagproseso ng mga sustansiya ng iyong atay. Ang isang bata na may sakit sa atay ay maaaring magkaroon ng:
-
Hindi magandang paglaki dahil sa hindi makasipsip ng normal ng taba ang may sakit na atay.
-
Ang rickets ay isang sakit na nagdudulot ng mababang densidad ng buto (hindi sapat na tisyu sa buto). Ang sakit sa atay ay sanhi ng rickets. Ang mga senyales ng rickets ay kinabibilangan ng pagiging bowlegged at pagkakaroon ng ribs na umuusli sa balat.
-
Pagbawas ng timbang dahil sa ang atay ay hindi makatulong sa katawan na gamitin ang taba ng normal.
Online Medical Reviewer:
Finke, Amy, RN, BSN
Online Medical Reviewer:
MMI board-certified, academically affiliated clinician
Date Last Reviewed:
10/1/2016
© 2000-2024 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.