Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Bago Simulan ang Iyong Plano ng Ehersisyo para sa Diabetes  

May espesyal na tungkulin ang kalakasan ng katawan para sa mga taong may diabetes. Nangangahulugan ang kalakasan ng katawan na mas malusog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga gawain sa araw mo. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago magsimula. Maaaring gustuhin niyang magpa-checkup ka bago ka maging aktibo. At, maaaring gustuhin ng iyong tagapangalaga na magkaroon ka muna ng ilang pagsusuri. Tutulong ito sa iyo at sa iyong tagapangalaga na malaman kung paano ka tutugon sa programa ng kalakasan ng katawan. Magtanong sa iyong tagapangalaga kung may alam siyang magagandang programa na maaaring mag-monitor sa iyong pagtugon sa programa ng kalakasan ng katawan, kahit man lang sa unang ilang linggo.

Tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nagsusuri sa paa ng babae.

Ang iyong checkup

Tumutulong ang checkup na masiguro na ang iyong plano ng kalakasan ng katawan na maidulot sa iyo ang karamihang benepisyo. Pinabababa rin nito ang mga panganib na maaaring kasama ng pisikal na gawain. Bilang bahagi ng iyong checkup:

  • Maaring magkaroon ka ng pagsusuring tinatawag na hemoglobin A1C. Sinusukat ng HbA1c o A1C na pagsusuri ang iyong average na lebel ng asukal (glucose) sa dugo sa loob ng 2 hanggang 3 buwan. Kadalasang ibinibigay ang A1C bilang isang porsiyento. Ngunit ibinibigay na rin ito ngayon bilang isang numero na ipinapakita ang iyong tinatayang Average na Glucose (eAG). Ibinibigay sa iyo ng eAG ang isang numero na tulad ng mga numerong nakalista sa iyong pang-araw-araw na monitor ng glucose.

  • Maaaring suriin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang iyong puso sa pamamagitan ng electrocardiogram (ECG) habang nakapahinga. Maaaring magdulot ang diabetes ng mga problema sa puso. Ngunit makatutulong ang programa sa kalakasan ng katawan upang mas bumuti ang mga problemang ito. Tumutulong din ang pagiging malakas ng katawan na pagandahin ang iyong lebel ng kolesterol at presyon ng dugo.

  • Maaaring suriin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang iyong mga paa. Maaaring magkaroon ng problema sa kanilang mga paa ang mga taong may diabetes. Masusuri ng iyong tagapangalaga ang iyong mga paa bago ka maging mas aktibo. Maglaan ng panahon upang humanap ng mga sapatos na susuporta nang maayos sa iyong mga paa habang nag-eehersisyo ka. Magsuot ng mga medyas na kasyang-kasya sa iyo. Magsuot ng mga medyas na sumisipsip ng halumigmig mula sa iyong balat.

Kung mayroon kang stress test habang nag-eehersisyo

Maipapakita sa iyo ng stress test habang nag-eehersisyo kung paano tumutugon ang iyong puso sa aktibidad. Maipapakita nito kung anong lebel ng ehersisyo ang tama para sa iyo. Lalagyan ka ng maliliit na electrode sa iyong dibdib. Pagkatapos, maglalakad ka sa isang treadmill o sasakay sa bisikleta na pang-ehersisyo. Sinusukat ang pintig ng iyong puso. Maaari ka ring tanungin tungkol sa anumang kawalang-ginhawa o pananakit na maaaring maramdaman mo habang nag-eehersisyo ka sa panahon ng pagsusuring ito. Kung sasailalim ka sa pagsusuring ito, bibigyan ka ng mas maraming detalye ng iyong tagapangalaga.

Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Shaziya Allarakha MD
Date Last Reviewed: 4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer