Pangangasiwa ng Type 2 na Diabetes
Ang type 2 na diabetes ay isang pangmatagalang (hindi gumagaling) kondisyon. Maaaring nangangahulugan ang pangangasiwa rito na paggawa ng mahihirap na pagbabago. Maaari kang matulungan ng pangkat na nangangalaga sa iyong kalusugan.
Kakailanganin mong balansehin ang iyong gamot kasama ng diyeta at gawain. Matutulungan ka nitong pangasiwaan ang iyong type 2 na diabetes. Kakailanganin mo ring madalas na suriin ang iyong asukal sa dugo. At makipagtulungan sa tagapangalaga ng iyong kalusugan upang mapigilan ang mga komplikasyon.
Itanong sa iyong team ang tungkol sa isang serbisyong tinatawag na pagtuturo at suporta sa sariling pamamahala ng diabetes (DSMES). Matututo ka ng mga kasanayan upang matulungan kang pamahalaang nang mas mabuti ang iyong diabetes at humanap ng suporta kapag kailangan mo ito. Maaaring maibigay ang serbisyong ito sa isang grupo o nang sarilinan kasama ang iyong team. Maaari din itong available sa pamamagitan ng telehealth.

Inumin ang iyong gamot
Maaari kang uminom ng mga tableta o ikaw mismo ang mag-iniksyon ng insulin para sa diabetes. O maaari mong gamitin pareho. Inumin ang iyong mga gamot o ikaw mismo ang mag-iniksyon ng insulin sa mga tamang oras. Tutulungan ka nitong kontrolin ang iyong asukal sa dugo. Mag-isip ng mga paraan na makakatulong sa iyo na matandaan ang tamang pag-inom ng iyong mga gamot araw-araw. Itanong sa tagapangalaga ng iyong kalusugan o pangkat ang kanilang mga ideya.
Maaari ka lang uminom ng mga tableta para sa iyong diabetes ngayon. Ngunit maaari itong magbago. Sa paglipas ng panahon, mangangailangan din ang karamihan ng mga taong may type 2 na diabetes ng insulin o iba pang iniksyon.
Kumain ng masustansya
Nakakatulong ang isang masustansyang diyeta na makontrol ang dami ng asukal sa iyong dugo. Matutulungan ka rin nitong manatili sa malusog na timbang. O tinutulungan ka nitong magbawas ng timbang, kung sobra ang iyong timbang. Mas pinahihirap ng labis na timbang ang pagkontrol sa diabetes.
Tutulungan ka ng pangkat na nangangalaga sa iyong kalusugan na bumuo ng isang plano na babagay sa iyo. Hindi mo kailangang ihinto ang lahat ng pagkaing gusto mo. Magkaroon ng mga pagkain at meryendang may:
Palitan ang matatamis na inumin (kabilang ang katas ng prutas) ng tubig o mga inuming kakaunti ang calorie, walang inuming may calorie hangga't maaari. Huwag kumain ng mga pagkaing may dagdag na asukal.
Maging aktibo ang katawan
Nakakatulong ang pagiging aktibo sa pagbaba ng iyong asukal sa dugo. Tinutulungan ng aktibidad ang iyong katawan na gamitin ang insulin upang gawing enerhiya ang pagkain. Tinutulungan ka rin nitong pangasiwaan ang iyong timbang:
Hingin ang tulong ng tagapangalaga ng iyong kalusugan sa paggawa mo ng isang programa ng aktibidad na tama para sa iyo. Nakabatay ang iyong programa sa iyong edad, pangkalahatang kalusugan, at mga uri ng aktibidad na nasisiyahan kang gawin. Magsimula nang dahan-dahan. Ngunit subukang magawa ang hindi bababa sa 150 minuto ng ehersisyo o gawain bawat linggo. Magsimula sa 30 minuto bawat araw. Mag-ehersisyo nang 10-minuto bawat pagkakataon sa isang araw. Huwag hayaang lumipas ang higit sa 2 araw nang hindi nagiging aktibo.
Suriin ang iyong asukal sa dugo
Maaaring isang regular na bahagi ng iyong pangangalaga ang pagsusuri sa sarili mong asukal sa dugo. O maaari mo lang kailanganing suriin ang iyong asukal sa dugo paminsan-minsan. Sasabihin sa iyo ng tagapangalaga ng iyong kalusugan kung paano suriin ang iyong asukal sa dugo sa tahanan. Sasabihin sa iyo ng pagsusuri nito kung ang iyong asukal sa dugo ay nasa iyong target na range. Kapag ang iyong asukal sa dugo ay nasa loob ng target na range, nangangahulugang pinangangasiwaan mong mabuti ang iyong diabetes.
Kung ang mga lebel ng iyong asukal sa dugo ay napakataas o napakababa, maaaring magmungkahi ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng mga pagbabago sa iyong diyeta o antas ng aktibidad. Maaari din niyang i-adjust ang iyong gamot.
Maaari ding sabihin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan na suriin mo ang iyong asukal sa dugo nang mas madalas kapag ikaw ay maysakit.
Alagaan ang iyong sarili
Kapag ikaw ay may diabetes, mas malamang na magkaroon ka ng iba pang problema sa kalusugan. Kabilang dito ang mga problema sa paa, mata, puso, ugat, at bato. Maaari kang makatulong na maiwasan ang mga problemang ito sa pamamagitan ng pagkontrol ng iyong asukal sa dugo. At sa pag-aalaga nang mabuti sa iyong sarili. Matutulungan ka ng tagapangalaga ng iyong kalusugan, nurse, tagapagturo sa diabetes, at ng iba pa sa mga sumusunod:
-
Mga checkup. Dapat na magkaroon ka ng mga regular na checkup sa tagapangalaga ng iyong kalusugan. Sa mga pagbisitang iyon, kailangan mong magkaroon ng pagsusuri ng katawan na kabilang ang pagsusuri ng iyong mga paa. Susuriin din ng tagapangalaga ng iyong kalusugan ang iyong presyon ng dugo at timbang. Hubarin ang iyong sapatos bago magsimula ang iyong appointment upang makasigurong nasuri ang mga paa mo. Tiyaking dalhin ang mga rekord ng mga pagsusuri ng iyong asukal sa dugo. Itanong sa iyong mga tagapangalaga ng kalusugan kung may mga bago o mas mainam na paraan upang suriin ang iyong mga asukal sa dugo.
-
Iba pang pagsusuri. Kakailanganin mo rin ang mga pagsusuri sa mata, paa, at ngipin nang isang beses man lang bawat taon o ayon sa ipinayo.
-
Mga pagsusuri sa lab. Magkakaroon ka ng mga pagsusuri ng dugo at ihi:
-
Susuriin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan ang iyong hemoglobin A1C nang dalawang beses man lang kada taon. Ipinapakita ng pagsusuring ito sa dugo kung gaano mo kahusay na nakokontrol ang iyong asukal sa dugo sa loob ng 2 hanggang 3 buwan. Tumutulong ang mga resulta sa tagapangalaga ng iyong kalusugan na pangasiwaan ang iyong diabetes.
-
Magkakaroon ka rin ng iba pang pagsusuri sa lab. Halimbawa, upang masuri ang iyong mga problema sa bato at mga abnormal na antas ng kolesterol.
-
Paninigarilyo. Kung naninigarilyo ka, kakailanganin mong ihinto ito. Mas malamang na makakukuha ka ng mga komplikasyon mula sa diabetes dahil sa paninigarilyo. Tanungin ang tagapangalaga ng iyong kalusugan tungkol sa mga paraan kung paano ito ihinto. Huwag ding gumamit ng e-cigarette, o mga produktong pang-vape.
-
Mga bakuna. Magpabakuna laban sa trangkaso nang taunan. At tanungin ang tagapangalaga ng iyong kalusugan tungkol sa mga bakuna upang maiwasan ang pulmonya, shingles, COVID-19, RSV, at hepatitis B.
Stress at depresyon
Karamihan ng tao ay may mga pagsubok sa kanilang buong buhay. Maaaring madagdagan ang iyong stress dahil sa pamumuhay nang may diabetes. Maaari talagang maapektuhan ng stress o depresyon ang iyong mga lebel ng asukal sa dugo.
Sabihin sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung nahihirapan ka sa diabetes. Maaari silang makatulong o isangguni ka sa iba pang tagapangalaga ng kalusugan o programa.
Upang matuto nang higit pa
Alamin kung saan ka makakahingi ng tulong. Maaari mong subukan ang mga sumusunod: