Viral Gastroenteritis sa mga Bata
Ang viral gastroenteritis ay madalas tawagin na “stomach flu.” Subalit hindi ito talagang may kaugnayan sa flu o influenza. Ito ay iritasyon ng tiyan at bituka dahil sa impeksiyon na sanhi ng mikrobiyo. Karamihan sa mga bata na may viral gastroenteritis ay bumubuti pagkalipas ng ilang araw nang walang paggamot. Dahil sa ang batang may gastroenteritis ay maaaring nahihirapan na panatilihing nasa ibaba ang fluid, siya ay nanganganib ng dehydration at dapat maiging bantayan.
Mga Sintomas ng Viral Gastroenteritis
Ang mga sintomas ng gastroenteritis ay kabilang ang pagtatae (malambot, basang dumi) na kung minsan ay may kasamang pagkahilo at pagsusuka. Ang bata ay maaaring pulikatin o magkaraoon ng pananakit sa tiyan. Maaaring mayroon ding lagnat o pananakit sa ulo. Ang mga sintomas ay madalas na umaabot ng 2 araw, subalit maaaring tumagal ng 10 araw upang mawala.
Paano Humahawa ang Viral Gastroenteritis?
Ang viral gastroenteritis ay lubhang nakakahawa. Ang mga mikrobiyo na nagsasanhi ng impeksiyon ay madalas na nagpapasalin-salin sa mga tao ng mga hindi nahugasang kamay. Makukuha ng mga bata ang mga mikrobiyo mula sa pagkain, kagamitan sa pagkain, o mga laruan. Ang taong naimpeksiyon ay maaaring nakakahawa pa rin kahit mabuti na ang kanilang pakiramdam. At may mga tao na may impeksiyon subalit walang sintomas. Dahil dito, ang mga pagsilakbo ng gastroenteritis ay pangkaraniwan sa mga bata at iba pang mga grupong kapaligiran.
Paggamot
Karamihan sa mga kaso ng viral gastroenteritis ay gumagaling nang walang paggamot. (Ang mga antibiotics ay HINDI makakatulong sa paglaban ng mga viral na impeksiyon.) Ang layunin ng paggamot ay upang paginhawain ang bata at iwasana ang dehydration. Ang mga tip na ito ay makakatulong:
-
Tiyakin na ang bata ay matagal na makapagpahinga.
-
Upang iwasan ang dehydration:
-
Bigyan ang iyong anak ng maraming likido gaya ng tubig o sabaw. Maaari mo ring bigyan ng oral rehydration ang iyong anak, tulad ng Pedialyte, na mabibili sa grocery store o botika. Pasipsipin muna ang iyong anak ng fluid upang maiwasan ang pagkahilo.
-
Huwag bigyan ng inumin ang iyong anak na may maraming asukal dahil ito ay magpapalubha ng pagtatae. At huwag din bigyan ng mga sport drink, tulad ng Gatorade, na walang tamang halo ng tubig, asukal, at mga mineral, at maaaring magpalala ng mga sintomas.
-
Kailan muling makakakain ang iyong anak:
Pag-iwas sa Viral Gastroenteritis
Ang mga hakbang na ito ay makakatulong upang mabawasan ang pagkakataon mo o ng iyong anak na makakuha o mahawaan ng viral gastroenteritis:
-
Madalas na maghugas ng iyong mga kamay ng maligamgam na tubig at sabon, lalo na pagkatapos gumamit ng banyo, pagsusuot ng diaper ng iyong anak, at bago maghanda, maghain, o kumain ng pagkain.
-
Madalas na paghugasin ng kaniyang mga kamay ang iyong anak.
-
Panatilihing malinis ang mga lugar kung saan naghahanda ng pagkain.
-
Labhan agad ang maruruming damit.
-
Gumamit ng mga diaper na waterproof ang panlabas na cover o gumamit ng plastik na pantalon.
-
Iwasan na madikit ang bata sa mga taong may sakit.
-
Panatilihin ang may sakit na anak sa bahay mula sa childcare.
-
Itanong sa healthcare provider ng iyong anak kung ang iyong anak ay dapat magpabakuna ng rotavirus. Ang bakunang ito ay nag-iingat sa mga sanggol at maliliit na bata laban sa rotavirus na impeksiyon, isang sanhi ng viral gastroenteritis.
Humingi Agad ng Medikal na Tulong Kung ang Bata:
-
May lagnat na 100.4° F o higit pa.
-
Nagsusuka at nagtatae nang higit sa 6 na oras.
-
May dugo sa tae.
-
Ay inaantok.
-
May matinding pananakit ng tiyan.
-
Hindi mapanatili kahit kaunting likido sa ibaba.
-
Makikita ang senyales ng dehydration, tulad ng napakadilaw o kaunting ihi, lubos na pagkauhaw, tuyong labi, o pagkahilo.
Online Medical Reviewer:
Bass, Pat F. III, MD, MPH
Online Medical Reviewer:
Lentnek, Arnold, MD
Date Last Reviewed:
1/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.