Diabetes: Ang Iyong Pamumuhay
Maaaring mangahulugan ang pagkakaroon ng diabetes na mga pagbabago sa trabaho. Maaari din itong mangahulugan na mga pagbabago sa iyong pakikisalamuha sa iba. Ngunit hindi ka pipigilan ng mga pagbabagong ito na gumawa nang mahusay sa trabaho o i-enjoy ang iyong libreng oras.
Pamilya at mga kaibigan
Maaaring may mga tanong tungkol sa diabetes ang iyong kapamilya at mga kaibigan. Maaaring hindi nila maintindihan kung bakit kailangan mong gumawa ng mga pagbabago sa iyong buhay. Hikayatin sila na pag-aralan ang tungkol sa diabetes kasama mo. Gumugol ng oras kasama ang mga kaibigan na sumusuporta sa iyo sa pangangalaga sa iyong sarili.

Mga espesyal na oras
Madalas na ibig sabihin ng mga party at bakasyon na mas maraming pagkain at inumin. O maaaring may ibang pagkain o inumin. Maaari mo pa ring i-enjoy ang mga pangyayaring ito. Narito ang mga payo:
-
Sa mga party, magpokus sa pag-e-enjoy sa musika, pagsayaw, o pakikipag-usap sa mga kaibigan.
-
Magdala ng meryenda o ulam na mainam para sa iyo. Maaaring tanggapin ng iba pang bisita ang mga bersyon na mababa ang calorie ng kanilang mga paboritong pagkain.
-
Bago ang susunod na bakasyon, pag-aralan kung paano iakma ang mga tradisyunal na pagkain sa iyong plano ng pagkain.
-
Maaaring mangahulugan ang mga bakasyong panrelihiyon na pag-aayuno o iba pang mga pagbabago sa paraan kung paano ka kumain. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, sa iyong dietitian, at sa iyong pari. Itanong sa kanila kung paano mo maipagdidiwang nang ligtas ang mga bakasyon.
-
Kapag kumakain sa labas, humingi ng isang kahon para iuwi sa bahay ang ilang pagkain na kakainin kinalaunan.
Trabaho
Maaaring maapektuhan ang pangangalaga sa diabetes ng mga meeting sa pananghalian, mga pagbabago ng shift, o paglalakbay dahil sa negosyo. Narito ang mga payo:
-
Gawing prayoridad ang pamamahala sa iyong diabetes. Kung madalas magbago ang iyong iskedyul sa trabaho o kung nahihirapan kang pamahalaan ang iyong mga pang-araw-araw na gawain, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan at sa iyong employer. Maaaring kailangani mong gumawa ng mga pagbabago sa iyong mga gamot kung nagbibiyahe ka sa iba't ibang time zone. Kasama rito ang kung gumagamit ka ng insulin pump.
-
Maaaring kailanganin mong gumawa ng mga espesyal na plano upang gawin ang iyong mga pang-araw-araw na gawain. Maaaring kasama rito ang pagsusuri ng iyong asukal sa dugo nang mas madalas.
-
Hangga't nagagawa mo nang ligtas ang iyong trabaho, ayon sa batas hindi maaaring magdiskrimina ang iyong employer laban sa iyo dahil sa iyong kalusugan.
Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung nakakaramdam ka na walang magawa o walang pag-asa. Sabihin din sa kanya kung nahihirapan kang matulog o kumain. Mga sintomas ang mga ito ng depresyon. Isa itong malubha ngunit nagagamot na problema.
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer:
Rita Sather RN
Online Medical Reviewer:
Robert Hurd MD
Date Last Reviewed:
3/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.