Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkaya ng Paghinto sa Paninigarilyo

Sa mga unang araw pagkatapos huminto sa paninigarilyo, maaari ka maging mainitin ang ulo, balisa, nalulumbay o mahina ang enerhiya. Ito ang mga sintomas ng paghinto. Ito ang paraan ng iyong katawaan na makabawi mula sa paninigarilyo. Ang iyong mga sintomas ay mababawasan sa loob ng ilang araw.

Pagkaya sa Udyok na Manigarilyo

  • Huminga nang malalim. Huminga sa pamamagitan ng iyong ilong. Magbilang hanggang lima. Dahan-dahan na huminga palabas sa pamamagitan ng iyong bibig.

  • Uminom ng tubig. Subukang uminom ng walo o higit pang 8-onsang baso ng tubig kada araw.

  • Panatilihing may ginagawa ang mga kamay. Hugasan ang iyong kotse. Gumuhit. Gumawa ng palaisipan. Gumawa ng bahay ng ibon.

  • Pagpapaliban. Ang udyok na manigarilyo ay tumatagal ng 3 hanggang 5 minuto lamang.

Humingi ng Suporta

Ang pagpapayo na pang-indibiduwal, panggrupo, at sa telepono ay makakatulong na mapanatili kang nasa tamang daan. Magtanong sa iyong healthcare provider ng karagdagang impormasyon ukol sa mga resources na makukuha mo.

Kontrolin ang Stress

Pagkatapos huminto, maaari kang maging iritable at makaramdam ng stress. Subukang maligo ng maligamgam o magshower. Makinig ng tugtugin. Subukang mag-yoga o magdili-dili. Tumawag sa mga kaibigan o kumausap ng dalubhasa.

Ehersisyo

Ang ehersisyo ay makakatulong sa pagbuti ng iyong katawan at isipan. Maraming pamamaraan upang maging aktibo. Humanap ng nais mong gawin. Tingnan kung may kaibigan kang nais sumama sa iyo sa paglalakad o pagbibisikleta.

Mag-asawang adulto na nakasakay sa mga bisikleta.

Matulog nang Maayos

Maaari kang makaramdam ng pagod subalit nahihirapan matulog. Subukang magpahinga bago matulog. Gumawa ng ilang pagbabanat na ehersisyo. Magbasa nang saglit. At, iwasan ang kapeina ng ilang oras bago matulog.

Magpakalusog, Hindi Mataba

Maaari mong mapansin na ginaganahan ka sa pagkain. Maraming tao na humihinto sa paninigarilyo ang bumibigat ang timbang. Upang limitahan ang pagbigat ng timbang, bantayan ang iyong kinakain. Bawasan ang taba sa iyong diyeta. Magmiryenda ng pagkain na mababa sa calorie, gaya ng sariwang prutas at gulay. Uminom ng inumin na mababa sa calorie. Ang regular na pag-ehersisyo ay makakatulong upang manatili kang malusog. At tandaan: Ang iyong pangunahing layunin ay maging nonsmoker. Manatiling nakatutok sa layuning iyon.

Mga Produktong Panghinto ng Paninigarilyo

May ilang mga produkto na makakatulong sa iyo upang ihinto ang paninigarilyo. Ang mga ito ay mabibili sa botika o pag may reseta. Tanungin ang iyong healthcare provider kung may makakatulong sa mga ito upang ihinto mo ang paninigarilyo.

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Paul Ballas MD
Date Last Reviewed: 1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer