Depresyon: Mga Payo upang Matulungan ang Iyong Sarili
Dahil tinutulungan ka ng iyong mga tagapangalaga ng kalusugan na gamutin ang iyong depresyon, maaari mo ring tulungan ang iyong sarili. Tandaan na naaapektuhan ng iyong sakit ang iyong emosyon, katawan, isipan, at pakikisalamuha. Kaya magtatagal ang ganap na paggaling. Pangalagaan ang iyong katawan at ang iyong kaluluwa, at maging matiyaga sa iyong sarili habang gumagaling ka.
Pangangalaga ng sarili
-
Turuan ang iyong sarili. Magbasa tungkol sa mga pagpipiliang paggamot at gamot. Kung may lakas ka, dumalo sa mga lokal na kumperensya o suportang grupo. Magpanatili ng isang listahan ng mga kapaki-pakinabang na website at libro at gamitin ang mga ito kung kinakailangan. Hindi mo kasalanan ang sakit na ito. Huwag sisihin ang iyong sarili sa iyong depresyon.
-
Kontrolin ang mga maagang sintomas. Kung mapansin mong bumabalik ang mga sintomas, mayroong mga nagsisimula, o natukoy ang iba pang dahilan na maaaring humantong sa isang yugto ng depresyon, humingi ng tulong sa lalong madaling panahon. Hingin sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan at kapamilya na i-monitor ang iyong pag-uugali at ipaalam sa iyo kung may nakikita silang anumang dapat ikabahala.
-
Makipagtulungan sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Humanap ng isang tagapangalaga na mapagkakatiwalaan mo. Makipag-ugnayan nang tapat sa taong iyon. Ibahagi ang impormasyon tungkol sa iyong paggamot para sa depresyon at ang iyong mga reaksyon sa mga gamot. Maaaring kailanganin mong subukan ang iba't ibang gamot bago mahanap ang tamang gamot.
-
Maging handa sa isang krisis. Alamin kung ano ang gagawin kung mayroon kang krisis. Laging dalhin ang numero ng telepono ng isang hotline sa krisis. Alamin kung nasaan ang mga sentro ng agarang pangangalaga ng iyong komunidad at ang pinakamalapit na departamento ng emergency.
-
Ipagpaliban ang malalaking desisyon. Maaaring palabuin ng depresyon ang iyong pagpapasya. Kaya maghintay hanggang bumuti ang iyong pakiramdam bago gumawa ng malalaking desisyon sa buhay. Kasama rito ang pagpapalit ng mga trabaho, paglipat, pagbili ng mahal, o pag-aasawa o pakikipagdiborsyo.
-
Maging matiyaga. Isang proseso ang paggaling mula sa depresyon. Huwag masiraan ng loob kung medyo matagal bago gumanda ang pakiramdam.
-
Panatilihin itong simple. Sinasaid ng depresyon ang iyong lakas at konsentrasyon. Kaya hindi mo magagawa ang lahat ng bagay na dati mong ginagawa. Magtakda ng maliliit na mithiin at gawin kung ano ang kaya mo.
-
Sumama sa iba. Huwag ibukod ang iyong sarili—mas lulubha ang iyong pakiramdam. Subukang sumama sa ibang tao. At sumali sa masasayang gawain kapag kaya mo. Manood ng sine, ballgame, serbisyong panrelihiyon, o pagtitipon. Tapat na makipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. At tanggapin ang tulong kapag iniaalok ito.
Pangalagaan ang iyong katawan

Madalas na nawawala ang kagustuhang alagaan ang kanilang sarili ng mga taong may depresyon. Mas pinalulubha lamang niyon ang mga problema. Sa panahon at pagkatapos ng gamutan, tiyakin na:
-
Ehersisyo. Isa itong magandang paraan upang pangalagaan ang iyong katawan. At ipinakita ng mga pag-aaral na tumutulong ang ehersisyo na labanan ang depresyon. Mithiin ang 30 minuto ng katamtamang aktibidad sa isang araw. Magandang paraan upang magsimula ang paglakad sa maiikling bahagi ng oras (5-10 minuto), pero kasama ang anumang bagay na ginagawa kang abala (paghahardin, paglilinis ng bahay).
-
Hindi gumagamit ng mga droga o alkohol. Maaari nitong mapawi ang pananakit nang panandalian. Ngunit mas palulubhain lang ng mga ito ang mga problema kinalaunan.
-
Magkaroon ng ginhawa mula sa stress. Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang mga ehersisyo na pangrelaks at mga paraan upang makatulong na mapawi ang stress. Isaalang-alang ang mga gawain gaya ng pagninilay, yoga, progresibong pagrerelaks ng kalamnan, o tai chi.
-
Kumain nang tama. Tumutulong ang balanse at masustansyang diyeta na panatilihing malusog ang iyong katawan.
-
Magkaroon ng sapat na tulog. Mithiin ang 8 oras bawat gabi. Maaaring magdulot ng iba pang pisikal at emosyonal na problema ang labis o napakakaunting pagtulog.
Online Medical Reviewer:
L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Paul Ballas MD
Date Last Reviewed:
1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.