Diabetes at Sakit sa Bato
Ginagawa ng diabetes ang iyong katawan na hindi gaanong magamit ang mga pagkaing iyong kinakain para sa enerhiya. Bilang resulta, namumuo sa dugo ang asukal (glucose). Sa paglipas ng panahon, maaaring makapinsala sa iyong mga daluyan ng dugo at mga bato ang pagkakaroon ng labis na asukal sa iyong dugo. Pinakakaraniwang sanhi ang diabetes para mangailangan ng dialysis o pag-transplant ng bato. Pero sa pagkontrol ng diabetes, maaari kang manatili sa isang malusog na lebel ng glucose sa dugo. At mapababagal o maiiwasan mo ang pagkasira ng bato.
Sino ang nanganganib?
Ang ilang taong may diabetes at sakit sa bato na nasa mas mataas na rate. Kabilang dito ang mga taong may anuman ng ganitong mga uri ng pamana ng kultura:
Mahalagang taunang pagsusuri
Dapat masukat ang paggana ng bato ng mga taong may diabetes nang hindi bababa sa isang beses kada taon. Susubaybayan ng iyong tagapangalaga kung gaano karaming protina ang inilalabas ng iyong bato sa iyong ihi. Isa itong palatandaan kung paano nakakaapekto ang diabetes sa iyong mga bato. Isa o dalawang beses kada taon, kakailanganin mo ang pagsusuri ng dugo. Ginagawa ito para makita kung paano pinoproseso ng iyong mga bato ang iba pang substansya. Huwag laktawan ang mahahalagang pagsusuring ito.
Sundin ang iyong plano ng pagkain
Para makuha ang pinakamaraming enerhiya mula sa mga pagkaing iyong kinakainn at maramdaman ang iyong pinakamabuti, maaaring kailangan mong sundin ang isang plano ng pagkain. Mahigpit na makipagtulungan sa iyong pangkat ng kalusugan. Maaari ka nilang tulungang gumawa ng isang plano ng pagkain na tama para sa iyo.
Maaaring kailanganin mong:
-
Kumain ng kaunting protina.
-
Uminom ng kaunting likido.
-
Paglimita sa pagkonsumo ng asin (sodium).
-
Kumain ng mga pagkaing kaunti ang phosphorus at potassium.
-
Huwag uminom o baguhin ang dosis ng mga gamot na nakakaapekto o pinoproseso ng mga bato.

Kung kailangan mo ng tulong sa mga pagbabago sa kung ano ang kakainin at iinumin mo, makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan. Hilingin na isangguni ka sa isang rehistradong dietitian. Makatutulong ang taong ito sa iyo upang gumawa at pamahalaan ang mga pagbabagong iyon.
Gumamit ng insulin o gamot sa diabetes ayon sa itinagubilin
Ang insulin ay isang hormone. Tinutulungan nito ang iyong katawan na gumamit ng glucose. Maaaring kailanganin mong mag-iniksyon ng insulin. Ito ay para mapataas ang supply sa iyong katawan. O maaari kang uminom ng gamot upang tulungan ang iyong katawan na maglabas ng mas maraming insulin o mas mahusay na gamitin ito.
Maaaring maapektuhan ng yugto ng sakit sa bato ang dami ng insulin na kailangan ng iyong katawan. Maaaring baguhin ang dosis ng iyong insulin o iba pang gamot. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga kung ang lebel ng iyong asukal sa dugo ay madalas na napakababa. Bantayang mabuti ang iyong asukal sa dugo gamit ang isang meter ayon sa ibinilin.
Makatutulong ang gamot sa presyon ng dugo
May tatlong 3 uri ng mga gamot sa presyon ng dugo na tumutulong sa mga taong may diabetes at mataas na presyon ng dugo na mabawasan ang kanilang panganib ng sakit sa bato. Maaari ding makatulong ang mga ito na maiwasan ang paglala ng sakit sa bato. Ang mga gamot na ito ay:
-
Mga angiotensin-converting enzyme (ACE) inhibitor
-
Mga angiotensin receptor blocker (mga ARB)
-
Mga sodium-glucose co-transporter 2 (SGLT2) inhibitor
Gumagana rin ang mga gamot na ito para sa mga taong may diabetes na walang mataas na presyon ng dugo.
Iba pang paraan para matulungan ang iyong kalusugan
Makakatulong ka sa pagpapabagal ng sakit sa bato sa pamamagitan ng:
-
Huminto sa paninigarilyo sa lalong madaling panahon, kung naninigarilyo ka
-
Pagkontrol sa mataas na presyon ng dugo
-
Limitahan ang alak
-
Manatiling malusog ang timbang ng katawan
-
Magkaroon ng regular na pisikal na gawain
Manatiling aktibo
Tumutulong ang ehersisyo sa katawan na gamitin glucose. Para sa pinakamainam na resulta:
-
Makipag-usap sa iyong tagapangalaga bago simulan ang anumang programa ng pagpapalakas ng katawan.
-
Itanong sa iyong tagpangalaga kung ano ang mga aktibidad na dapat mong gawin. Itanong kung gaano kadalas ka dapat mag-ehersisyo, at gaano katagal.
-
Kumain 1 hanggang 2 oras bago ka mag-ehersisyo. Suriin ang iyong asukal sa dugo bago ka mag-ehersisyo. Ito ay upang makita ito kung lligtas na mag-ehersisyo sa panahong iyon.
-
Magtabi ng meryenda sa malapit. Makatutulong ang mga ito na maiwasan ang mababang asukal sa dugo (hypoglycemia).
-
Palaging magsuot ng isang kuwintas, pulseras, o tag na alertong medikal. Dapat nitong sabihin na mayroon kang diabetes. At dapat itong maglista ng iba pang kondisyon sa kalusugan kung kinakailangan.