Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ang Hika ng Iyong Anak: Mga Pagsumpong

Kapag may hika ang iyong anak, namamaga (inflamed) ang mga daanan ng hangin sa kanyang mga baga. Pinakikitid nito ang mga daanan ng hangin, ginagawa nitong mahirap na huminga. Sa panahon ng pagsumpong ng hika (pag-atake ng hika), lalo pang namamaga ang lining ng mga daanan ng hangin at gumagawa ng dagdag na uhog. Mas pinakikitid pa nito ang mga daanan ng hangin. Humihigpit din ang mga kalamnan sa paligid ng mga daanan ng hangin. Ginagawa nitong mas mahirap makapasok at makalabas ang hangin sa mga baga.

Balangkas ng bata na ipinapakita ang sistema ng palahingahan. Ipinapakita sa mga inset ang normal na daanan ng hangin at daanan ng hangin na may hika.

Ano ang sanhi ng mga pagsumpong?

Nangyayari ang mga pagsumpong kapag may reaksyon sa isang trigger ang mga daanan ng hangin sa isang batang may hika. Ang mga trigger ay ang mga bagay na nagpapalala sa hika. Maaaring kabilang sa mga ito ang usok, mga amoy, kemikal, gamot, pollen mula sa damo, balat ng alagang hayop, amag, dumi ng ipis, at alikabok sa bahay. Maaari ding magsimula ng pagsumpong ang iba pang bagay. Kabilang sa mga ito ang ehersisyo, mga oras na mataas ang stress, pagkakaroon ng sipon o trangkaso, at mga pagbabago ng klima. Napakahalaga na tulungan ang iyong anak na bumuo ng mga estratehiya upang makalayo sa mga trigger na nagsasanhi ng mga pagsumpong ng hika o mga sintomas.

Ano-ano ang sintomas ng isang pagsumpong?

Nagkakaroon ng pagsumpong ang iyong anak kung mayroon siya ng alinman sa mga sumusunod:

  • Hirap sa paghinga

  • Mas mabilis na paghinga kaysa karaniwan

  • Humihingasing, isang humuhuning ingay kapag humihinga papalabas

  • Pakiramdam ng paninikip o pananakit ng dibdib

  • Pag-ubo, lalo na sa gabi

  • Hirap sa pagtulog

  • Pagkapagod o madaling mangapos ang hininga

  • Nahihirapang magsalita

Ano ang gagawin sa panahon ng pagsumpong

Kapag nagsisimulang magkaroon ang iyong anak ng mga sintomas, huwag maghintay! Sundin ang Plano ng Pagkilos para sa Hika ng iyong anak. Dapat nitong sabihin sa iyo nang eksakto kung ano-anong mga sintomas ang nagpapahiwatig ng pagsumpong sa iyong anak. Dapat din nitong sabihin sa iyo kung ano ang gagawin. Maaaring kasama rito ang pagpapagawa sa iyong anak ng mga sumusunod:

  • Gumamit ng gamot na mabilis magpaginhawa (pagsagip). Pinaluluwag kaagad ang paghinga ng iyong anak ng mga gamot na mabilis magpaginhawa. Siguraduhing ginagamit ng iyong anak ang inhaler sa tamang paraan. Sumangguni sa impormasyon ng tagagawa na kasama sa gamot ng iyong anak. O makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa kung paano gamitin ang device, tulad ng isang metered-dose inhaler o nebulizer.

  • Sukatin ang peak flow ng iyong anak kung gumagamit ka ng peak flow monitoring. Kung mas mababa ang peak flow sa 50% ng personal na pinakamahusay, malubha ang pagsumpong ng iyong anak. Kailangan mong tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak. Dapat ka ring tumawag sa 911 kung mayroon ang iyong anak ng alinman sa mga sintomas na nakalista sa kahon sa ibaba.

  • Pag-aralan kung paano subaybayan ang hika ng iyong anak. Binabantayan ng ilang tao ang maagang mga pagbabago sa mga sintomas na lumalala. Gumagamit ang ilan ng peak flow meter. Isulat ang mga sintomas ng hika ng iyong anak at mga pagbasa ng peak flow sa isang diary.

Tumawag sa 911

Tumawag kaagad sa 911 kung ang iyong anak ay mayroon ng alinman sa mga sumusunod na sintomas. Maaaring nangangahulugan ito na nagkakaroon ng malubhang mga problema sa paghinga ang iyong anak.

  • Napakabilis o nahihirapan sa paghinga

  • Paglubog sa pagitan ng mga tadyang at sa itaas at ibaba ng buto sa dibdib (mga pag-urong ng dibdib)

  • Hirap sa paglalakad o pagsasalita

  • Pakiramdam na nanghihina, nalulula, o nahihilo

  • Nagiging kulay asul, kulay-abo, o lila ang mga labi o daliri

  • Pagbasa ng peak flow na mas mababa sa 50% ng personal na pinakamahusay

  • Hindi kumikilos bilang normal o tila nalilito

  • Hindi tumutugon sa mga paggamot sa hika

  • Pakiramdam na mamamatay

  • Walang malay o hindi magising

Pag-iwas na lumala ang mga sintomas at pagsumpong

Upang makatulong na pamahalaan ang hika, dapat mong tulungan ang iyong anak sa mga sumusunod:

  • Makipagtulungan sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak. Nangangailangan ng pagtutulungan ang pamamahala sa hika. Puntahan ang lahat ng appointment sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak. Huwag basta gumawa ng appointment kapag sinusumpong ang iyong anak. Sundin ang Plano ng Pagkilos para sa Hika ng iyong anak.

  • Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung walang Plano ng Pagkilos para sa Hika ang iyong anak o hindi up to date ang plano.

  • Gumamit ng mga gamot na pangkontrol ayon sa itinagubilin. Siuraduhing ginagamit ng iyong anak ang kanyang mga pangmatagalang gamot na pangkontrol. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga corticosteroid at iba pang gamot na laban sa pamamaga. Ang isang batang may hika ay maaaring magkaroon ng namamagang daanan ng hangin anumang oras, hindi lamang kapag may mga sintomas siya. Dapat inumin nang regular ang mga gamot na pangkontrol ayon sa iniutos, kahit na bumuti ang pakiramdam ng iyong anak.

  • Tukuyin at pamahalaan kaagad ang mga pagsumpong. Pag-aralang tukuyin ang maagang mga sintmas ng iyong anak at kumilos nang mabilis. Simulan ang mga gamot na mabilis magpaginhawa ayon sa itinagubilin kung magsimulang magkaroon ng mga sintomas ang iyong anak ng impeksiyon ng palahingahan at ang mga impeksiyon sa palahingahan ang nagsisimula ng kanyang mga sintomas.

  • Hikayatin ang iyong anak na magtanong sa tagapangalaga ng tungkol sa hika sa panahon ng mga pagbisita sa opisina. Makatutulong ito na bigyan siya ng pakiramdam na pagkontrol at responsibilidad para sa kanyang kalusugan.

  • Turuan ang iyong anak na kilalanin at gamutin ang kanyang sariling mga sintomas kung nasa hustong gulang na siya. Tutulong ito sa kanya na matagumpay na pamahalaan ang kondisyon habang tumatanda siya. Itanong sa iyong tagapangalaga kung ano ang pinakaangkop para sa edad ng iyong anak.

  • Kontrolin ang mga trigger. Isa pang mahalagang paraan para makontrol ang hika ang pagtulong sa iyong anak na lumayo sa mga bagay na nagdudulot ng mga sintomas ng hika. Kapag alam mo na ang mga trigger, gumawa ng mga hakbang upang kontrolin ang mga ito. Halimbawa, kung may naninigarilyo sa iyong sambahayan, dapat na silang huminto. Makatutulong ang maraming mahuhusay na programa at gamot sa paghinto sa paninigarilyo. Huwag ding payagan ang sinuman na manigarilyo malapit sa iyong anak, kasama na sa iyong tahanan at sasakyan.

  • Sanayin ang tamang paghuhugas ng kamay. Madalas na hugasan ng sabon at tubig ang iyong mga kamay at ang mga kamay ng iyong anak. Gumamit ng hand sanitizer kapag hindi ka makapaghugas ng iyong mga kamay o ng iyong anak. Ilayo ang iyong anak sa maraming tao sa mga panahon ng sipon at trangkaso.

  • Tulungan ang iyong anak na panatilihin ang malusog na timbang. Maaaring makaapekto ang pagiging labis sa timbang sa kung gaano kahusay na nakokontrol ang hika ng iyong anak. Makipagtulungan sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak upang alamin ang pinakamainam na timbang para sa iyong anak.

  • Huwag matakot na mag-ehersisyo. Maaaring kapusin ang hininga ng iyong anak sa pag-eehersisyo. Ngunit maaaring palakasin ng pag-eehersisyo ang mga kalamnan sa paghinga. Maaari din itong magbigay sa iyong anak ng mas maraming enerhiya. Magandang paraan ang paglalakad upang mapagalaw ang oxygen sa katawan ng iyong anak. Magtanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak tungkol sa mga ligtas na ehersisyo.

  • Kumain ng wastong pagkain. Magbigay ng diyeta na maraming prutas at gulay para sa iyong anak.

  • Gawing ang mga ehersisyo sa paghinga. Magtanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak tungkol sa mga ehersisyo sa paghinga para sa iyong anak. Maaaring makatulong sa iyong anak na huminga nang mas mahusay ang pagtuturo sa kanya na huminga sa tiyan at nakanganga ang labi. Magbibigay sa iyong anak ng mas maraming oxygen na kanyang kailangan ang paghinga nang marahan at malalim sa anumang oras. Itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ang tungkol sa ehersisyo sa paghinga na pinakamahuhusay na paggamot para sa iyong anak.

Online Medical Reviewer: Deborah Pedersen MD
Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals BSN MPH
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Date Last Reviewed: 5/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer