Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

COVID-19: Pagbubuntis, Panganganak, at Pagkatapos Manganak

Kung ikaw ay buntis o bagong panganak, malamang na marami kang tanong tungkol sa kung paanong ikaw at ang iyong anak ay maaapektuhan ng COVID-19. Kung buntis ka o kamakailang nanganak (postpartum), mayroon kang mas mataas na panganib ng mas malalang sakit mula sa COVID-19 kaysa mga taong hindi buntis. Narito ang impormasyon upang matulungan kang makipagtulungan sa iyong pangkat ng tagapangalaga ng kalusugan.

Paano ako mananatiling ligtas?

Gumawa ng ekstrang pag-iingat na hindi magkasakit sa panahong ito. Kasama rito ang:

  • Magsuot ng de-kalidad at lapat na lapat na mask sa mukha ayon sa ipinayo ng iyong lokal na komunidad at mga eksperto sa kalusugan. Maaari mong piliin na magsuot ng mask sa anumang oras. Maaaring magbago ang mga patnubay sa pagsusuot ng mask batay sa kung paano nakakaapekto ang COVID-19 sa iyong komunidad. Sundin ang mga patnubay ng CDC..

  • Paghuhugas nang madalas ng iyong mga kamay

  • Paggamit ng hand sanitizer na may hindi bababa sa 60% na alkohol kapag walang sabon at tubig

  • Paglayo mula sa maraming tao at pagpapanatili ng distansya mula sa ibang tao sa publiko ayon sa ipinayo

  • Paglayo mula sa sinumang may sakit

  • Panatilihing napapanahon sa lahat ng ipinapayong bakuna

  • Pagbutihin ang daloy ng hangin sa loob ng bahay. Maaaring kabilang dito ang pagbubukas ng mga bintasa para mapabuti ang daoy ng hangin, mas madalas na pagpapalit ng mga filter sa iyong heating o mga air conditioning unit, at pagbubukas ng mga fan.

  • Gawin sa labas ng bahay ang mga panloob na aktibidad ng pangkat kung maaari. Mas madaling kumalat ang mga virus sa loob ng bahay kaysa labas. Tingnan ang website ng CDC para sa higit pang impormasyon.

  • Paglilinis at pagdisimpekta nang madalas sa hinahawakang mga ibabaw

  • Hindi pagbiyahe kung maysakit ka. Tingnan ang website ng CDC sa pagbiyahe..

Paano naman ang tungkol sa bakuna laban sa COVID-19?

Ang COVID-19 ay ligtas at epektibo na pagbabakuna sa panahon ng pagbubuntis. Inaprubahan ang ilang bakuna para maiwasan ang COVID-19, kabilang ang para sa mga buntis o nagpapasuso. Mahusay na gumagana ang mga bakuna upang maiwasan ang COVID-19 o mabawasan ang iyong panganib na magkasakit nang malubha kung makakakuha ka ng virus.

Inirerekomenda ng CDC ang na-update na mga bakuna laban sa COVID-19 para sa 2023–2024: Pfizer-BioNTech, Moderna, o Novavax. Ipinapayo ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lahat ng taong 6 na buwan at mas matanda, kasama ang mga taong buntis, nagpapasuso, sinusubukang magbuntis ngayon, o maaaring magbuntis sa hinaharap. Ibinibigay ang mga bakuna laban sa COVID-19 bilang isang turok (iniksyon) sa kalamnan. Maibibigay ang mga ito kasabay ng iba pang bakuna.

Para sa kasalukuyang impormasyon tungkol sa mga bakuna, bumisita sa website ng CDC o sa website ng ACOG. Magagamit ang mga booster shot para sa mga taong may edad na 6 na buwan at mas matanda. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalasugan tungkol sa kung anong bakuna at booster ang pinakamahusay para sa iyo at sa iyong pamilya.

Ano-ano ang mga peligro sa aking sanggol?

Narito ang ilang bagay na alam ng mga mananaliksik:

  • Ang mataas na lagnat mula sa anumang sanhi sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ang maaaring magpataas ng peligro para sa ilang uri ng depekto sa panganganak. Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang lagnat. Tutulungan ka niyang pababain ang iyong lagnat.

  • Ang COVID-19 sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring itaas ang panganib ng pagsisilang nang kulang sa buwan.

  • Ang COVID-19 sa panahon ng pagbubuntis na maaaring maipasa sa fetus, ngunit tila bihira lang ito.

  • Ang mga sanggol na ipinanganak ng mga babaeng nagkaron ng COVID-19 sa panahon ng pagbubuntis ay may mataas na tsansa ng pangangailangan ng pangangalaga sa neonatal intensive care unit (NICU).

  • Maaaring magkaroon ng COVID-19 ang mga bagong silang na sanggol kung malantad dito.

Ligtas bang panatilihin ang aking mga appointment sa tagapangalaga ng kalusugan?

Oo, ligtas ito at mahalaga upang mapanatili ang iyong mga appointment.

Kung ikaw ay may anumang sintomas ng COVID-19, tawagan ang opisina ng iyong tagapangalaga ng kalusugan bago pumunta sa iyong appointment. Magsuot ng mask na tumatakip sa pareho mong ilong at bibig ayon sa ipinayo at sundin ang lahat ng tagubilin mula sa tauhan ng tagapangalaga ng kalusugan.

Babaeng nakikipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan.

Paano kung ang isang tao sa aking bahay ay may sakit na may mga sintomas ng COVID-19?

Kung may mga sintomas ng COVID-19 ang iyong partner o isa pang miyembro ng sambahayan, dapat siyang magsuot ng mask kung nasa paligid mo at dapat siyang lumayo sa iyo hangga't maaari. Nangangahulugan ito na pananatili sa isang bahagi ng bahay na malayo sa iba. Magsuot ng mask kapag maysakit ka o nag-aalaga ng isang taong maysakit na COVID-19. Hindi sila dapat magbigayan ng pagkain, maghiraman ng mga tuwalya, sapin sa kama, o iba pang personal na gamit. Linisin nang madalas ang mga ibabaw na karaniwang ginagamit, tulad ng mga doorknob at ibabaw ng mga counter. Kung may sakit ang iyong asawa at malapit na ang iyong panganganak, tanungin ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung ano ang pinakamahusay na gagawin kapag may hudyat na ng pag-anak. Maaari kang bigyan ng partikular na mga tagubilin.

Ligtas bang manganak sa ospital o sentro ng paanakan?

Gumagawa ng maraming hakbang na pangkaligtasan ang mga medikal na pasilidad upang protektahan ang mga tao mula sa COVID-19. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa ospital o sentro ng paanakan na pinaplano mong gamitin. Itanong kung saan at kung paano pinapangalagaan ang mga buntis at kanilang mga partner at mga sanggol.

Kung ikaw ay may COVID-19 at nagli-labor, tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan at yunit ng panganganak bago ka dumating. Gagawa ng mga hakbang ang iyong ospital o sentro ng paanakan upang maprotektahan ang mga tao sa paligid mo mula sa impeksyon. Kakailanganin mong magsuot ng mask na tumatakip sa iyong ilong at bibig. Maaari kang makisama sa kuwarto kasama ang iyong bagong silang na sanggol kung mayroon kang banayad na COVID-19. Papayuhan ka ng iyong pangkat ng tagapangalaga ng kalusugan kung ano ang aasahan. Maaaring irekomenda ang pananatili sa isang hiwalay na silid kung mayroon kang malubhang sakit at hindi mo kayang alagaan ang iyong sanggol.

Bago at matapos manganak, maaaring hilingin sa iyo na limitahan ang bilang ng mga bisita sa ospital. Mahalaga ito upang mabawasan ang peligro ng impeksyon sa lahat ng nasa ospital. Sundin ang lahat ng tagubilin ng tauhan ng tagapangalaga ng kalusugan, kabilang ang kanilang mga tagubilin kung paano ihanda ang inyong bahay para sa pag-uwi mo at ng sanggol.

Ligtas bang manganak sa bahay?

Iba't iba sa bawat tao at bawat pagbubuntis ang mga panganib ng pag-anak sa bahay. Makipag-usap sa iyong pangkat ng tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga benepisyo at peligro sa iyong pagbubuntis. Kung nagpaplano kang manganak sa ospital o sentro ng paanakan, maaari kang payuhan ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na ito pa rin ang pinakaligtas na plano.

Ligtas bang magpasuso o lumapit sa aking sanggol kung mayroon akong COVID-19?

Hindi pa natagpuan ang virus sa gatas ng mga taong may COVID-19. Ngunit maaaring kumalat ang virus sa pag-ubo, pagbahin, at pagsasalita. Magsuot ng mask kapag kinakarga ang iyong sanggol, pati na rin habang nagpapasuso. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay kapag inaalagaan ang iyong sanggol. Kung may COVID-19 ka at nais na magpasuso sa iyong sanggol, kausapin ang iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pinakamahuhusay na paraan upang maprotektahan ang iyong sanggol.

Kung mayron kang COVID-19, magagawa mo ang mga bagay para maiwasang mailipat ang impeksiyon sa iyong sanggol:

  • Magsuot ng mask kapag kinakarga ang iyong sanggol, pati na rin habang nagpapasuso.

  • Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay kapag inaalagaan ang iyong sanggol o bago hawakan ang breast pump o mga bahagi ng bote.

  • Kung maaari, hayaan ang isang taong malusog na tumulong sa pag-aalaga sa iyong bagong silang na sanggol.

Ligtas bang magkaroon ng mga bisita upang makita ang sanggol, o tumulong sa pag-aalaga ng sanggol?

Upang maging sobrang ligtas, pinakamahusay na limitahan ang mga bisita, lalo na ang mga taong hindi pa ganap na nabakunahan. Tanging ang pinakamalalapit at malulusog na miyembro ng pamilya na kasama mo sa bahay o ang mga malulusog at ganap nang nabakunahan ang dapat may direktang paglapit sa sanggol. Sabihin sa taong may sakit na huwag bumisita. Dapat maghugas ng kanilang kamay ang lahat ng bisita kapag bumibisita sila.

Kung hahawak ang bisita sa sanggol, dapat muna niyang hugasan ang kanyang mga kamay. Ibalot ang sanggol sa kumot at pagkatapos ay alisin ang kumot. Pagkatapos ay dapat hugasan ng bisita ang kanyang mga kamay. Hindi dapat halikan o hawakan ng mga bisita ang mukha ng sanggol. Hindi ito nalalapat sa pinakamalalapit na miyembro ng pamilya maliban kung sila ay may sakit.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Kung ikaw ay buntis at may mga sintomas ng COVID-19, tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Tatanungin ka ng mga tanong tungkol sa iyong kalusugan. Maaari kang payuhan na manatili sa bahay, magpasuri, at gamutin ang iyong mga sintomas. O maaari kang payuhan na kumuha ng medikal na pangangalaga.

Petsa nang huling binago: 3/14/2024

Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Irina Burd MD PhD
Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer